Friday, May 17, 2013

BOY ABUNDA interviews NANCY BINAY



BOY ABUNDA: Isa sya sa mga kontrobersyal na tauhan sa larangan ng politika ngayon. Tinuligsa sa iba't ibang social media DI UMANO'y dahil sa kanyang kawalan ng karanasan at pati sa kulay ng balat. Ang iyong Nanay de Pamilya sa Senado, trending na, agad-agad, Ginang Nancy Binay.


BOY: Magandang gabi Gng. Binay.

NANCY: Magandang Gabi tito Boy.

BOY: Welcome to the show at salamat sa pagpapa-unlak.

NANCY: Salamat sa paganya--

BOY: Una sa lahat, congratulations sa inyong mataas na bilang ng boto.

NANCY: Salamat, tito Boy. Patunay lamang yan na maha--



BOY: Dumako na tayo sa mga issue na kinakaharap mo ngayon. Maraming nagsasabing hindi nyo deserve ang pagpasok sa top 6 ng mga Senatoriables. Ano masasabi nyo dito?

NANCY: Naiintindihan ko ang sinasabi ng mga critics ko pero ang--

BOY: Marahil ang kinakasama ng loob ninyo ay ang patuloy na paninira sa iyo sa mga social media sites tulad ng Facebook, Tumblr at Twitter na ginagawang katawa-tawa ang inyong morenang balat.

NANCY: Tama, tito Boy. Masyado nilang pineperso--

BOY: Kung sabagay ako rin noon ay nakaranas din ng diskkriminasyon. Naalala nyo ba nung ako'y pinagtawanan nila Mo Twister at VIcki Belo dahil sa aking di kanais-nais na ilong? Hindi talaga nagkakaiba ang mundo ng Showbiz at pulitika, may mga taong nais manakit sayo dahil lamang ayaw nila sayo.

NANCY: Korek, tito Boy. Kaya ang una kong adbokasiya sa Sena--

BOY: Ang dapat, pagkaupo nyo sa Senado ay isulong ninyo agad-agad, NOW NA, ang Cybercrime law at mas paigtingin ang pagtugis sa mga mapanira at mapanghusgang mga personalidad sa social media. From the Megastar hanggang kina Daniel Padilla, naapektuhan ng negatibong pahayag ng kanilang mga kritiko.

NANCY: Actually, tito Boy, ang isusulong ko ay ang--

BOY: Oh di kaya'y pagpapaigting ng batas laban sa identity theft dahil naglipana ang mga posers at mga--



NANCY: ANAK NG TETENG NAMAN TITO BOY! Hindi mo ba ako pagsasalitain? Kanina ka pa ah!

BOY: Naku, Ginang BInay, pasensya na po, wala na po tayong oras.

NANCY: NYETA!

BOY: Ginang Binay, ikaw na.

NANCY: AY AKO! AKO TALAGA! HINDI KITA BIBIGYAN NG SATISFACTION BY SAYING NA "IKAW NA TITO BOY" DAHIL LAHAT NG INTERVIEW MO EH 80% IKAW KUMUKUDA! LETCHE! (walkout...fade to black)

BOY: HooOh-ha ha ha ha ha ha ha.

2 comments: