Saturday, February 9, 2013

Party "P" is now.....Party "Probation"....

NKKLK talaga!!!! 






Hay salamat na-post ko rin yung actual video. Mamya nya sabihin nyo mina-manipulate ko kayo.


ANYWAY, hindi na kami ganun ka-bitter sa pagkaka-Probation ng show. Oh diba, at least, nahasa ang skills ng wardrobe department kasi yung mga yatis at nagiiksiang mga outfit namin sa Party Pilipinas eh nagawan nila ng paraan na maging "disente" at hindi "malaswa".


Sa mga hindi nakaka-alam, naging controversial ang dance number namin ni Rocco Nacino noong January 27, 2013. Shunga kasi ang audience at televiewers, ang hashtag nga namin was "#PPSsshhh", as in quiet lang kayong mga hindot kayo. Aba, more sumbong naman sa MTRCB ang mga loka! Magsara sana ang mga pores ninyo kung sino man kayo. Charaught lang.


Anyway, papano ba naman, in our attempt na lumevel sa mga "sexy" dances ng ASAP like the ones pictured below, ayan tuloy, na-probation tuloy ang Party Pilipinas for six months. O ha, kahit halos ipang-paypay na ni Cristine Reyes ang cameltoe nya sa mga maiinit na katawan ng G-Force dancers eh deadmadela talaga ang MTRCB. Sabagay hindi na kami nagugulat. Nasaang network nga ba si miss Kris Aquino ngayon?
To be somewhat fair, dahil sa Vagina monologue.... este.... Birthday number ni sis Anne Curtis, humanash din ang MTRCB ng gender sensitivity ekek. Pero I don't expect it to go far. We'll just wait and see.
 

Bitter akels? Slight lang. Pero to clarify, it's just PROBATION, not suspension, so sorry na lang at mapapanood nyo parin kami every Sunday. At hindi rin kami worried na ma-suspend, kasi if ever mangyari yan eh magre-reformat na lang kami. Ang ipapalit namin eh isang Bago at Original na show, at tatawagin namin itong "SOP". Etchos!

During our probation period, puro mga wholesome scenes ang ipapakita namin. Syempre may convocation muna ni Atty Gozon, tapos siguro flag ceremony na pamumunuan ni Aljur (one hopes nga lang na iba ang mag-flag ceremony sa kanya. Charaught!!!). Susundan yan ng Panatang makabayan, tapos exercise habang pinukpok namin ni ate Regine ang drums (opo parang flag ceremony lang sa school). Syempre meron ding mga public service announcement about kagandahang-asal na pamumunuan nina Mond, Tim, at iba pang myembro ng Gucci Gang habang ngumangasab ng Magnum. Nom nom nom.
 



3 comments:

  1. Natawa naman akez dun sa opening prayer at charity moments! lukaret ka talaga lovi! lovieet! -NoraASuperstar

    ReplyDelete
  2. Mag folk dance at kundiman kayo, ewan na lang kung masita pa kayo ng MTRCB. Hahaha!

    ReplyDelete
  3. Tamaugh kayo tita Guy & Rod. Kaloka, pag wala na kaming maisip magtuturo kami ng panggagantsilyo saka cross stitch. Ahihihihihi.

    ReplyDelete