Tuesday, February 12, 2013

UPCOMING PLOT TWISTS ON YOUR FAVORITE PRIMETIME SHOWS

1) TEMPTATION OF WIFE

So nagtagisan ng bikini sina Chantal1 at si Angeline, at in fairness eh tamang bathing suit ang napili ni Angeline. Oh diba, pumunta agad sa malalim na part ng dagat si Nigel dahil mukhang may nangyayari sa crotch area nya. Sayang naman!!!











At a recent "event" sa isang "Bar", nakwento sakin ni Enchong Dee na excited na sya sa future episodes ng teleserye.
2) INA, KAPATID, ANAK

Apparently ga-graduate na sila at aadvance ang edad ng characters para naman match na sa real-life edad ng cast....puwera na lang kay Francine Prieto na para paring ate lang ni Liam. Sana naman wag nang umabot na magkaka-anak pa sina Celyn at Margaux, wag nyong gawing Lola sa batang edad si Francine!








3) NEVER SAY GOODBYE
"Sige! Sabihin mong 'Walang himala' at tatagain kita sa leeg"



 Oh, dahil confirmed nang lumayas na nga si Sunshine kina Cesar Montano, wala nang makakapigil pa sa pagpasok ni Krista Miller sa show. Hello, mabenta kaya ang life-imitates art events. Look at Ina, Kapatid, Anak.












4) KAILANGAN KO'Y IKAW

Sa di malamang dahilan, ramdam na ramdam ko na late at night na kapag ito na ang palabas. Charaught!!!!! ANYWAY, sinaliksik ng mga scientist kung ano nga ba ang nag-cause ng ovarian cancer ni Roxanne, at ang pangunahing suspect eh isang tainted Magnum na nakuha ni Krizzy sa Party ni Raymond Gutierrez....











5) INDIO
Baka naman ako itong Diwatang ito??!!! Kasi kakulay ko eh. Ahihihihi.


In fairness huh, masyadong brutal ang show kasi parang maya't maya eh may pinapatay na Pilipino ang mga Kastila. Kung ako kay Don Juancho, sasalakayin ko na rin ang kuta ng mga Diwata tapos paguumpugin ko ang mga ulo nila dahil wala silang ginagawa kundi manood sa bolang kristal keme nila. At sino kaya ang Diwatang ni-tweet ng account ng Indio na naka-dark violet? Isang evil Diwatang? Kaka-excite!!!







6) JUAN DELA CRUZ



Umamin kayo, ganito ang gusto nyong scenario ng show.
Dahil nasubaybayana ko rin naman ang "Aso ni San Roque" eh I can't help but wonder kung pinanood sya ng producers ng Juan dela Cruz at inisip nila "instead na angelic na bata, gawin nating UNGAS si Coco Martin. Tapos si Erich na nag-flop ang movie with Marion Maurer, tara, ipasak natin sa serye para bumongga ang career like Julia Montes.




 





7) KIDLAT
"Go go, Power Rangers!"

I love Warla (Paolo Ballesteros)!! Para syang lukring na Fairy God Mother. Dapat talaga ang gawin nyang catchphrase eh "Time Space Warp, ngayon din!" Samantala, ang rogues gallery (kontrabidas) ng serye huh, in fairness cute naman ang costumes. Nalito lang ako saglit nang makita ko si Fuego one time kasi akala ko nanonood ako ng Dragonball.



8) PAHIRAM NG SANDALI


Pahiram Ng Sandali, ang paboritong script ng mga taga-Call center ("One Moment Please"). Charaught!

Nadi-distract lang ako lagi pag tuwing nanonood ako nito at nakikita ko si Kristoffer Martin. Parang ang sarap din magtrabaho sa spa with extra service pag siya ang customer. Ahihihi. Kaso matatapos na pala ang seryeng ito. Sana ihagis na ni Janice (Lorna Tolentino) si Baby Umali (Alessandra) sa hagdan or something. NKKLK!









9) APOY SA DAGAT

As expected, may switcheroo na magaganap sa Apoy sa Dagat. Duhhh. Para saan pa ang pagkakaroon ng kambal kung hindi nila gagawin yan. Kaso sana hindi nila mapansin na medyo mas malansa ang amoy ni Serena kaysa kay Rebecca.

5 comments:

  1. Havey yung number 7 lovi! lukaret ka! ahahahaha! -NoraASuperstar

    ReplyDelete
  2. naloka ako mars sa number 5,ung taytol at ung pikatyur ni ate Krizy KalerQui...ahihihihi

    ReplyDelete
  3. nakakaloka ka ateng lovi.. might as well nga na gun ang mga mangyayari if ever.. hahaha

    ReplyDelete
  4. wuhahahahahaha nasama pa ang "time-space warp" na yan...havey na havey ka poe. lavet :D

    ReplyDelete