Tuesday, February 5, 2013

MMK POE...


Naku, naglilipana na ang mga political ads ngayon pa lang. Actually kahit last year pa lang, marami nang nagpaparamdam agad. 

Pero ngayon, nag-level up na sila. Aba, bukod sa TV ads at mga holiday greetings nila, nagsisimula na ang paglabas ng mga "buhay" nila hindi lang sa mga documentaries kundi sa isa sa ating favorite shows tuwing sabado, ang "Maalaala Mo kaya". Nag-simula na kay Ate Grace Poe played by Erich Gonzales (tapos si Daddy POE, pinortray ni Tonton Gutierrez na para bang nasapian ni Clint Eastwood or Sylvester Stallone at hindi ni Daddy). Reportedly, sa Feb 10, si Gerald Anderson naman daw, gaganap sa buhay ni Alan Peter Cayetano. Sino-sino pa nga ba ang maaring gumanap na artista sa ating mga paboritong senatoriables?


"Kedebon" ng X-Factor Philippines bilang Nancy Binay

Questionnable ba? I don't think so. Papano nga ba yung description ni tita Koring sa tatay ni Nancy na si VP Jejemon...este Jejomar Binay? "Maliit at maitim na ____". Oh, eh sino pa bang pwedeng gumanap kay Nancy Binay kundi ang very "lovable", "adorable" at abominable na si Kedebon! Walang basagan ng trip!

Vice Ganda bilang Ernesto Maceda.


Uy ha, wala akong sinasabing becky si former Senator Maceda kaya si Vice Ganda ang pinili ko ha! Naisip ko lang na, uhm, medyo may hawig si Vice sa kanya? Saka, uhm, uhhhh, mataas malamang ang ratings ng MMK episode na yun pag si Vice Ganda ang nandun? Ah basta yun yun!


Melai Cantiveros bilang Cynthia Villar.


Oh, bakit kamo si Melai ang gaganap kay Cynthia Villar eh malumanay magsalita si Mrs Villar while si Melai eh medyo....mabilis magsalita? Well, naisip ko kasi i-package na rin natin ang ex nyang si Jason sa role naman ni Manny Villar para cute! At least magiging busy sila sa shooting at hindi muna mapapanood sa Kris TV diba?


Jon Santos bilang Jamby Madrigal

Aba, bakit naman si Jon Santos ang gaganap kay Jamby eh lalaki si Jon Santos? Well, mahirap kasing i-replicate ang, uhm, "masculine" features ni Senator Jamby kaya might as well si Jon Santos na. Either sya or si Aiza Siguerra, Cynthia Patag, or kung may budget si Ellen DeGeneres! Alam na!


Dumbo ng "It's Showtime" bilang Jack Enrile

Well, simple lang naman ang logic nito. Mahilig kamo si Jack Enrile sa pagkain, so madali nang i-konek sya kay Dumbo diba? Tapos siguro si Orochimaru or kahit sino pang evil character ang pwedeng mag-cameo as Juan Ponce Enrile diba?


Kim Chiu bilang Risa Hontiveros

Ay, perfect na perfect si Kim Chiu sa ating Senatoriable na laging may suot na sash. Simple lang ang portrayal nya, yung eksenang laging mahinhin, hindi makabasag pinggan, tapos kapag ipo-portray nila ang pag-protesta ni Gng. Hontiveros kay former PGMA, sisigaw sya ng "Okay na po ako, kaso nanghihinayang lang ako na parang kinain (ni Ginang Arroyo) ang lahat ng mga sinabi nya."


Jodi Sta Maria bilang Loren Legarda

Wow, medyo okay ang choice na ito. Maganda si Jodi tulad ni Senator Legarda. But even more, naalala nyo ba ang portrayal ni Jodi na multo sa "Patayin sa Sindak si Barbara?" Tapos panoorin nyo ulit ang facial expression ni Senator Loren sa TV commercial ng Team PNoy at i-compare kay Jodi bilang multo. Parehong creepy diba?


Enchong Dee bilang Migz Zubiri.

Oy ha, wala rin akong ini-imply sa sexual orientation ni Migz Zubiri kaya si Enchong Dee ang naisip ko. Wala lang, trip ko lang.


Robin Padilla bilang Gringo Honasan

Naku, paniguradong action-packed ang buhay ni Senator Honasan, from the days of the EDSA revolution hanggang sa mga coup attempts nya laban kay Cory. Tapos meron pang mga subplot ng manhunt sa kanya noon, kulang ang rated SPG sa mga ma-aksyon na eksena nun!


James Yap bilang Bam Aquino

You might point out na ang layo ng itsura ni James Yap sa pinsan ni Ms. Kris Aquino, pero I think pwede nilang gamitin ulit ang mga references na ginawa ni Kris Aquino kay James Yap sa "Sisterakas" pero this time, si James Yap naman ang magre-reference ng paulit-ulit kay Krissy. Para just in case hindi pa raw na-establish sa utak ng audience na si Bam eh kamag-anak ni PNoy, ito ang best na paraan.

4 comments:

  1. grabe, more bitterness parin kay kedebon? move on na, si KZ na nga nanalo diba?

    ReplyDelete
  2. Natawa akez ng bongga at nasama si Orochimaru ditey! ahahahaha! at pati si Kedebon ginawang babae? Parang insulto naman ata yun kay Nancy! ahhahahaha! -NoraASuperstar pasensiya ka na lovi at nalimutan ko kasi ang google acct ko! ahahahaha! matanong ko na lang ulit si Queen barubal! ahahahaha

    ReplyDelete
  3. Hindi maka relate maka hindi nanonood ng anime kay Orochimaru.

    Best part, with the "creepy" facial expression, LOL!

    ReplyDelete