Aba syempre, hindi pwedeng yung sastre sa may kanto or yung suking binibilhan mo ng makintab na tela sa Palengke ang kilala mo. Dapat kilala mo lahat: from the carbon-copy queen Charina Sarte hanggang sa mga "worldclass" European designers like Versace (whether yung yumao na or yung mukhang naipit ng plantsa na si Donatella). Bakit kamo? Aba syempre para pwede kang casually mag-name drop ng mga ito na para bang close kayo. Chances are yung makakabasa ng post mo eh either maga-agree (kasi like you eh pretending sosyal lang din sila) or magdi-disagree (kasi sosyal KUNO sila at magni-name drop din ng preferred personality nila).
2) Mag-imbento ng sariling nicknames for celebs.
Or, to be safe, gamitin ang mga well known nicknames sa mga celebs. Wag na wag kang mahuhuling referring to Jennifer Lopez by full name. Call her "JLo". Or si Lindsay Lohan, dapat "LiLo" lagi tawag mo na parang kababata lang. Tawagin mo na ring "MaLo" is Mario Lopez, "LoLe" si Loren Legarda. Si Gretchen Barreto, dapat "La Greta" ang tawag lagi. Ang may masasaklap na lang atang nickname ngayon eh sina Meynteyn, Kakanin, at Kubeta.
3) Keep tweeting/posting/kemerlooing about mga mamahaling brands.
Aba syempre, kapag nag-post/tweet ka about something like "Matibay talaga ang mga sapatos gawang Marikina" or "Nakatipid ako ng mabili ko ang ___ na ito sa Divisoria" eh ikahihiya ka ng mga equally snooty friends/followers mo. Kahit in real life eh hindi mo afford ang mga LV, Hermes, etc, nonstop dapat ang pag-post para makita ng followers mo na may taste ka (kahit pa "acquired" taste lang yan). Ang entrada dapat eh "Gosh, I badly want _____". Oh di kaya, "I am itching to get my hands on ______". Or why not "Gawd, it's been ages since I ate at ______". And my personal favorite "My stressed soul needs pampering at ____ and ____ right away."
4) Reference Galore!
Stuck in an argument and unable to muster a witty rejoinder? Wala bang naniniwala sa POV mo? Make references! Or, i-todo ang paggamit ng quote. Halimbawa, nakikipagtalo ka sa isang celebrity online, try quoting, say, Kurt Vonnegut (o diba, pangalan pa lang mapapa "Wow" ka na agad? Passé na ang pag-reference sa mga Pinoy authors or Pinoy intellectuals, dapat puro foreigners lang). For example: displeased about the performance of an actor? Try referencing other, more experienced actors. Halimbawa "Oh Kristen Stewart. You're no Susan Sarandon. You can't pull off the non-chalant style of acting like she could." Or, ayaw bang maniwala ng ka-debate mo na mas maganda ang kulay pink na sapatos ng brand X sa red ni brand Y? Try this: "I actually saw (random A-list celebrity) wear that on the fall of 2012 and that style will never grow old." Or, kahit na isang beses ka lang nakapunta ng Resorts World at hanggang labas ka lang ng Republiq at sininghot mo lang ang mamahaling telon sa labas eh i-todo mo na ang puri sa lugar at more kuda ng "OMG I love Republiq! It's like, so posh!" Ganyan!
5) Never EVER back-read!
For those asking, this is the "Slowpoke" meme, para sa mga taong delayed ang reaction or out of date ang info. Like the "Y2K" shown here. |
6) Gumamit ng mga "bonggang" terms.
Aba, para saan pa ang shift-F7 ng PC mo kung hindi mo gagamitin? Para saan pa ang mga synonyms sa Merriam-Webster kundi para dyan? Or better yet, don't just stick to using English or Tagalog. Gumamit ng French, Italian, Portugeuse, or Spanish. Wag Indian, Chinese, or kahit na anong Asian language kasi baka mapag-kamalan ka lang na nagwa-Waray or Kapampangan. Syempre wag ring Swahili or kahit na anong African language. Dapat mga tipong "I took Le classiqué bag out of le closette for unica hija" churva churva yadayada ang hanash mo para tunog sosyal! At kung magku-kwento ka ng scandal, wag na wag mong kakalimutan ang word na "Brouhaha". Kapag hindi yan ang word na gagamitin mo eh hindi ka sosyal. And spell it right! Huwag “Bruhaha” unless mangkukulam pala ang topic ng discussion nyo. At syempre, ang mga typical na "palabok words" like "fab", "class/classy", "gorgeous", "beautiful", "phenomenal", "iconic", at kung anu-anu pang hanashi. Hindi pwedeng "maganda" lang kasi apparently hindi sufficient ang word na yan to describe something na, well, maganda sa paningin.
7) Wag kalimutan ang picture!
Aba syempre, walang maniniwala sayo kung sa twitpic or Facebook mo lang I-post ang mga mamahalin mong ninanais sa buhay. Dapat eh Instagram agad yan! Malalaki ba ang pores mo? Medyo tanghaling tapat ba nang tumabi ka sa karatula ng mamahaling resort & spa na dinaanan mo at hindi maganda ang lighting? Medyo mukhang mechado de carinderia lang ba ang pinagyayabang mong P1000-plus na pagkain sa mamahaling restaurant na 3 buwan mong pinag-ipunan? Medyo mukha ka lang bang snatcher nang nagpa-picture ka katabi ng mamahaling sapatos na nakita mo sa mall? Eh di tadtarin mo na ng mga sepia tones or kahit na ano pang mga shinning shimmering splendid camera & lighting effects para sosyal!
8) Wag gagamitin ang iyong boring name.
Lalo na sa twitter, wag na wag name mo lang ang gamitin. Dapat may hanash din para shala basahin. Hindi ka artista? So what, lagyan pa rin ng "Official" or "I Love" or "the real" or “TM” or trademark sa dulo ng username mo na para bang may fansclub ka or may posers ka na aagaw ng pangalan mo at ng followers mo. Pwede ring gumawa ka pa ng ibang account na "chapter" ng iyong self-made fansclub sa ibang probinsya like "CherryLovers Cebu" or "StarShiners Masbate" para bongga! At, wag limitahan ang pag-angat ng bangko sa username. Ang bio syempre tadtarin ng kasosyalan. "I am only interested in intelligent conversation" kahit ang puro pino-post eh puro tungkol sa pag-gym or pagkain ng pananghalian. “I am as random as a meteorite, as paradoxical as an Aurora” kahit pa puro KathNiel or pagbili ng kape sa Starbucks ang gawain mo.
9) Bonggang Avatar/DP/Profile picture.
Aba syempre, hindi pwedeng ang iyong profile picture eh kinuha mo sa graduation picture or yearbook ninyo or sa 15-minute rush ID sa may kanto (yes, buhay pa ang mga yan). Dapat eh either yung sa photo studio na may ulap pa sa likod or sa CR ng bahay nyo. At, wag basta smile lang. Dumila ka, or kumidat, or mag-duckface or ituro mo yung imaginary person sa likod ng camera. Yes, kahit mukha ka lang inaatake ng epilepsy sa picture eh somehow “cute” at sosyal ang dating nyan once online. Pwede ring ingudngod mo ang feslaboom mo sa lente ng camera for maximum effect. Or, i-level ang camera sa kisame or mga 3 metro ang taas mula sayo para puro noo or mata or hanggang ilong lang ang kuha. Or, tumalikod ka or takpan ang bibig para kunwari deep and boording type ka. Magsuot ka na rin ng eyeglass na walang lente para Hipster ang dating mo. Or why not logo ng Starbucks ang gamiting DP/Avatar para alam ng lahat na overpriced coffee lang ang iniinom mo.
10) Be nice and condescending at the same time.
Aba syempre, papano mo ipapakita ang wit mo sa social media kung puro pa-tweetums lang ang alam mo? Unahan mo na ng compliments like "I love how your mind works" tapos sundan mo ng mga banat na "I think you lack consistency". Basta dapat one-two-punch ang arrive. Hindi ka ganun ka-witty? Then use terms like "dear", "anak", "hijo/hija/hijada", in a way na ini-establish mo sa kausap mo na you're the superior. For example, "My dear, clearly you have no idea what you're talking about" or "Hija, nauunawaan mo ba'ng sinasabi mo?" Samahan mo na rin ng profanity para kunwari eh magaling ka mag-English kahit mali ang grammar. Halimbawa “The f*ck?! Yo dawg you ain’t squatt compared to my sh*t.”
Or, pwede ring
todo lait ka muna sabay pa-nice effect. For example "F*ck you and all your
ancestors, leave me and Mond with your shame. God bless you". Oh diba?
Kahit kulang na lang eh duraan mo yung kausap mo eh high-class parin ang dating
kasi mag "God bless" sa dulo.
11) Wag mamansin.
Ito ang pinaka-classic sa lahat. Dapat eh inaabot ka ng mga
30-minutes to about 24hrs bago mag-reply. Or, better yet, WAG mag-reply. Bakit
kamo? In-demand ka eh, hati ang oras mo eh. Pasintabi na lang sa mga talagang
busy……like me! Charaught!
12) Dautin mo ang Globe.
Well, I must say guilty rin ako nito kasi Globe user ako.
Ay, as in, isara ko lang ang pinto ng bahay namin eh yung full 3G signal ko eh
biglang nagiging 2 bars na lang. Nakakaloka. And, I will probably still say
kasi tamad ako lumipat. Hehehehe. Pero kung HINDI ka Globe user at, say, SMART
naman ang network mo, what better way to establish your ka-sosyalan by
attacking the competition and encouraging others to follow suit? Syempre lagyan
mo na rin ng picture ng speed test para mas convincing. I-tag mo na rin ang
Smart baka sakaling i-retweet ka nila. Oh diba, kahit isang hamak na twitter
person ka lang eh ENDORSER na bigla ang peg mo? SOSYAL!
13) Dautin mo ang lahat ng networks PWERA ang ABS-CBN.
In the same vein as number 12 with bits of number 5, uso
ngayon ang pagkukunwaring wala kang kilalang artista or shows ng GMA or ng
ibang networks para lang masabi kang sosyal. Well sabagay, papano ka nga naman
makakakilala ng ibang artista sa ibang network kung hindi ka naman nanonood dun
diba? At dahil loyal Kapamilya ka, syempre kahit ni hindi ka nanonood ng ibang
channel and have absolutely no basis for your belief, dapat automatic paring “pangit,
overhyped, or ka-cheapan” ang palabas ng ibang channel.
What a better, more clever, way of disguising your apparent
ignorance by dressing it up as "pagiging sosyal" diba? "Who the hell is 'Kidlat'?" "Who is this ka-cheapan 'Chef Boy Logro'?"
"Ha! Kapag Kapatid/Kapuso actors eh
wala akong kilala." Yan, ganyan dapat ang mga hanashi mo daily para
tunog sosyal ka (kuno). Apparently,
ignorance is the new measure of class nowadays. At, wag na wag kang mahuhuling
tumitingin sa TV ratings using AGB-Nielsen, na isa lang namang INTERNATIONAL
FIRM. Dapat eh Kantar-TNS lang ang paniniwalaan mo (na, BTW, eh ABS-CBN lang
ang namumukod-tangi nilang client. Dapat ring maniwala ka na ang AGB-Nielsen eh
sa Metro Manila lang kumukuha ng ratings data at kalimutan mo na yung incident
na kinukwestyun ng ABS-CBN ang results ng AGB sa Bacolod
at sa Mindanao a few years back. Yes, apparently, ang
isang international firm eh biglang nagiging tanga paglapag pa lang ng
Pilipinas (eyeroll). I-tweet mo na rin sina Eric John Salut at iba pang
drumbeaters ng Kapamilya network para kasing-sosyal ka na rin nila.
14) Dautin ang LOCAL shows.
Well, minsan kulang ang mga Kapamilya shows to establish your ka-sosyalan (kuno). Pwede ring kunwari eh hindi ka nanonood ng lahat ng local shows altogether at puro International programs lang ang pinapanood mo (kahit pa ETC lang naman ang nasa cable ninyo or, better yet, puro LIVESTREAM or Pirated DVD ang pinapanood mo). Dapat may daily dose of "Keeping up with the Kardashians" ka followed by "the Vampire Diaries" with a splash of "Project Runway" at "the Voice." At dapat hindi yung US Franchise lang ng shows ang alam mo. Dapat yung hanggang Antarctica if ever meron eh pinapanood mo. Basta don't ever post/tweet about local shows and local personalities.
15) Post game results ALL THE TIME.
Kahit pa Temple run 2 pa yan or kung anu-ano pa'ng game sa
iPhone, papano mo nga naman ipo-prove sa mga followers mo na mayron ka ng
latest apps and latest gadgets kung hindi mo sila maya't maya ire-remind na
naiwasan mo na ang lecheng Demon monkey na ito or na-acquire mo na ang covetted
item number 9 or level chenes-chenes or na-depose mo na as the Mayor of
Chenelyn si Chenes Chenelyn Bumblebee? Or, i-tweet mo ang isang kakilala mo and
tell them that you'd like to give them a certain product as a gift. Oh diba, ikaw
na’ng endorser! Lufeeeet!
16) Gumawa ka ng Blog
Aba syempre, hindi ka pwedeng basta sosyal lang. Dapat intellectual ka rin! How? Well gumawa ka ng blog, like this one. Tapos dito mo ilagay lahat ng hanash mo. Anyone can make a twitter account. Pero blog? Aba, level up ka pag meron ka nyan! And yes, in case you're wondering, I was making fun of myself on this one. Hindi po ako nagpapaka-talino. Nagmamarunong lang. Charaught!!!
Ahahahahaha supper funny and witty poe! Thanks for the mention charot
ReplyDeletehahahahahahahahahaha superb...galing mo poe :D
ReplyDeleteI love it! Congratulations Poe! Tawa ako ng tawa dito! Medyo natamaan ako sa ilan. Pero okay lang. You deserve a Pulitzer for this poe! #pasosyal lol!
ReplyDeleteThanks POE sa comments! Sana wala masyado magalit, katuwaan lang naman. Ahihihihihi.
ReplyDeleteThanks Nashi!! I wasn't thinking of you at all ha when I made this. Hindi ka naman yata kasing dukha namin eh. Ahihihihihi.
ReplyDelete