Friday, May 17, 2013

PAPANO MAGING SOSYAL SA SOCIAL MEDIA v2.0 by Georgina & Liz

In this segment, tuturuan tayo ng mga IT girls (kuno) Georgina Wilson & Liz Uy ng mga tips kung papano maging sosyal sa social media v2.0!!! (see also version 1.0 here)





GEORGINA: Hi guys! I'm sure you're NOT reading this in my voice kasi hindi naman ako ganun ka-prominent para matandaan nyo how I sound like pero humor me. I'm Georgina, and with me is the very funny Vice Ganda--

LIZ: Excuse me?! Shuta ka, si Liz ako noh!

GEORGINA: Weh?

LIZ: Pakyu ka, duraan kita dyan eh.

GEORGINA: Sorry (flip ng hair).

LIZ: Anyways, andito kaming dalawang prim and proper ladies to teach you guys kung papano maging sosyal sa social media....version 2.0! Lakas ko lang maka-Sarah G dun. Ahahahahaha.




TIP1: Surround yourself with like-minded friends.  Of course, mahirap maging sosyal kung ikaw lang ang nakakaalam. Maghanap ng mga sycophants, SoCli, at iba pang mahilig din sa "better things in life" and spend time chatting about it. Posse, groupie, group, whatever you call them. You need that support mechanism.






TIP2: Gold, gold, GOLD! If you've seen "No Other Woman," diba mayaman ang family ni Cristine Reyes dun pero halatang bagong yaman or "nouveau riche" sila kasi puro gold ang gamit sa bahay? Wag kayo maniniwala sa mga nagsasabing "old rich" lang ang pwede magpa-sosyal. Pwede rin tayong mga nouveau riche! And one way to achieve that is make sure lahat ng gamit nyo eh kumikinang-kinang na ginto. Keber if people point out na para ka lang may hepatitis, inggit lang ang mga yan.




TIP3: Be a snob! Lalo na kapag grupo kayo na binabati sa twitter? Wag kayong mamansin! 6 or more ba naka-mention sa good morning tweet? Hayaan mo na yung mga ibang lowclass na tao ang sumagot. Dahil sosyal ka, ikaw lang ang namumukod-tanging hindi sasagot sa group tweet. Sosyal ka eh.


TIP4: Pumunta sa mga events. May bago bang bubuksang mall na otherwise eh napaka-layo kung saan ka nakatira pero may certain A-list celebrity na pupunta dun para mag-ribbon cutting? Aba, gora na doon and make sure you let everyone know!






TIP5: Tweet about the traffic. Syempre, papano malalaman ng mga tao na sosyal ka if you don't inform them that you have a ride? Dapat ang hanash mo is "Gawd, super heavy ng traffic dito sa ____, kahit naka-full aircon ako aboard my Porsche 911 GT2, mainit parin!"



TIP6: Incessantly tweet self-motivation quotes, Bible quotes, and anything preachy. Why? Para ma-establish mo sa ibang tao na may values ka, na God-fearing ka, at may moral compass ka. By using these quotes or life guides, you're subtly telling people: "Hey, I'm better than you, so listen up! Here, bask in my copy-pasted wisdom."

TIP7: Remind people what God is. Let's all pretend na nakalimutan ng mga tao kung sino si God so mag-tweet ng random hanash like "Si God ay Panginoon, hindi penge-noon" or "Jesus loves you". And, let's all pretend na ang mga nagti-tweet nyan eh ine-express lang nila ang love nila kay God instead of being famewhores na naghahanap lang ng retweets. At pag tuwing Sunday, huwag kalimutang ipaalam sa lahat na nagsisimba ka, para maalala ng mga tao na isa kang santo na bumaba sa lupa para magsabog ng biyaya sa lahat.

TIP8: Inform everyone what you're wearing. Magkaron ng designated "outfit of the day" and tweet about it relentlessly na para bang isa kang fashion icon na may strong following sa twitter. Keber kung hindi naman maganda tignan sayo ang outfit mo or nadaan mo lang sa sepia tones ng instagram ang ikinaganda ng look, sosyal ka eh. So tweet on!


GEORGINA: Well, that's it guys. We can't reveal to you everything.

LIZ: Yeah, we'll leave you wanting more. Till next time.

No comments:

Post a Comment