Thursday, March 7, 2013

MALING-MALI (koleksyon ng mga random hanashi)







1) MRT bus. 

First off, kaya nga ko nga gusto sumakay ng MRT eh dahil nagmamadali akels. Eh di sana nag-bus na lang ako from the get-go diba? Ah, 15 pesos lang ang bayad kamo? Oo nga nakatipid ako sa bus, eh papano naman yung ibinayad ko sa taxi papasok dahil limited lang ang babaan ng MRT bus at nag-taxi pa ako dahil late na ako?



 


2) Pagsusuot ng cap na nakapatong lang sa ulo. 

Alam kong kanya-kanyang style lang yan, pero utang na loob ang cap po ay proteksyon para sa init ng araw, hindi para magmukha kayong tanga. Besides, papano mo napapanatili yan dyan sa gilid ng ulo mo? Nakasuot ka ba ng hairpin? Seryoso?

 





3) Mga taong umuupo lang malapit sa estribo ng jeep at naghihintay ng kawawang nilalang na uupo pinakamalapit sa driver para mag-abot ng bayad. 

Kawawa naman kayo, sa sobrang stressed nyo sa buhay eh magkakaron yata kayo ng cancer pag kayo ang taga-abot ng bata sa driver. Ang ginagawa ko, doon ako sa pinakadulo uupo at hindi ko halos ie-extend ang kamay ko para sila ang mahirapan. 

4) Mga taong alam na ngang maingay ang jeep at malakas ang ihip ng hangin dahil humaharurot pero pilit paring sasagutin ang tawag sa phone (or worse.... TATAWAG pa), tapos parang takang-taka pa silang parang hirap sila magkarinigan ng kausap. Aba, may variant pa yan--mga tao (usually girls) na magpi-picturan sa loob ng maalog at punong jeep na akala mo eh tourist attraction ang sinasakyan nila.
5) Sa jeep ulit, yung mga taong maraming dala (or may malaking dala, i.e. maleta) pero sa bungad pa talaga uupo at hindi sa dulo. Ang dapat sa mga yan, sinasagi mo yung mga dala nila para at least damay-damay na sa inconvenience na dinutulot nila.

6) Mga babaeng hindi nagtatali ng buhok sa jeep, or at least hawakan man lang para hindi humahampas sa mukha ko. O sige na, nag-Rejoice conditioner ka na ate, amoy na amoy naman sa hair mong medyo mamasa-masa pa. Eh kung itinatali ko yan sa estribo ng jeep para matumba ka pag bababa ka na? Or lagyan ko kaya yan ng garapata galing sa aso ng kapitbahay namin?


7) Mga magulang na nagpapalakad ng mga napakaliliit nilang anak sa mall. Bukod sa takaw aksidente kayo eh kayo ang nagpapabagal ng usad ng tao sa mall. Pagpraktisan ba ang lakad ng anak sa mall kung saan MARAMING tao at maraming pwedeng maka-sakit sa bata (i.e. maipit sa escalator, mauntog sa salamin, mabunggo ng ibang tao, God-forbid kidnapping)? Oo pasyalan ang mall, pero sa tingin nyo ba eh okay na kayo lang ang nage-enjoy at ang ibang tao eh kailangan pang umilag sa inyo para lang makapag-enjoy kayo? Gawin nyo yan kapag medyo malaki na yung bata, hindi yung hindi pa nga developed ang motorskills eh sinusuong na agad sa panganib.

 


8) Advanced na orasan.

Alam mo yung mga taong sini-set ang orasan ng advance pero alam naman nilang advanced yung oras at ginagamit pa yung dahilan ng pocrastination (i.e. "Naku, 30 minutes advanced naman yan, pwede pa ako matulog").

 





9) EGG-ZOYTED.

Yung mga taong sa di-malamang dahilan eh hindi ma-pronounce ang "X" na "eks" at gagawin pang "G" na sound (i.e. excited - eggzayted, existence - eggsistens). Syempre ang defense nila usually "Eh bakit sa word na 'Exit' eh 'g' yung sound ng x"; or "Sabi kasi ng English teacher namin ganun daw." O sige na, sige na, ikaw na'ng eggspert. Ang hirap namang mag eggsplain sayo.



10) Mga tricycle na "lowered". 

Wow, ano yan, feeling racer ka at may pa-lowered ka pang nalalaman? Tapos takang-taka ka pa kung bakit sumasadsad sa humps ang trike mo? At wow, may neon lights ka pa at dumadagundong ang subwoofer mo sa loob kung saan ako nakasakay ha? Tapos pag umuulan wala ka man lang telon para hindi ako mabasa!

11) Pasas sa tinapay or sa kahit na ano'ng pagkain. Gusto ko ang pasas on its own pero ayoko syang nakahalo sa ibang food (weird, right?).




12) Mga taong hindi parin matanggap ang paglaganap ng "Bawal ang Plastik" law. Puro kayo reklamo ng baha, maruming basura, etc pero ayaw nyo namang tumulong sa environment. Uso na po ang eco-bags. Wala namang nagsabi sa inyo na bumili kayo ng isang kilong orange tapos isang napaka-nipis na paper bag lang ang gamit nyo. Kahit ano pang argument mo, kawalan mo ng common sense ang reason kung bakit kumalat ang pinamili mong orange sa kalsada.



13) Pagsusuot ng naglalakihang headset in public. 

I know, I know, uso yan ngayon at nagpapaka-swagger kemerloo lang kayo. Pero seriously, for me ang mga ganyang headset sa harap ng computer nababagay. Or kung gagamitin mo mang sa labas, bagay lang yan dun sa mga nakatira sa malalamig ang klima. Nasa Pilipinas po tayo. Napakainit na nga sa tenga nyan (aminin nyo, amoy lungad yan sa tuwing hinuhubad nyo), tapos yung iba tineternohan pa ng balabal habang tumatagaktak ang pawis sa noo nila. Masochista lang? Pero kung hindi talaga kayo mapigilan, just make sure na hindi kayo masasagasaan sa kalokohang yan ha?





14) Team Patay-Team Buhay
Jusmiyo, sa separation of Church and State na nga lang eh taliwas na to, ano na lang yung pagpupumilit sa makitid na paniniwala ng mga anti-RH. Kung may dapat i-listang Team "Patay" at team buhay, ito dapat:  

15) Ang warlahin si ateng na humalik kay Daniel Padilla
I don't get it: pinapakilig ninyo ang mga hormonal teenagers by producing Daniel Padilla merchandise, mga kanta, mga teleseryeng punong-puno ng teenage kalandian, movies na punong-puno rin ng kalandian, at kung anu-ano pa tapos pag may actual na humalik sa kanya, magagalit kayo? Baket? Dahil ba hindi kayo ang nakahalik sa kanya? Dahil ba hindi nya nirespeto kuno ang crush nya? Ano nga ba ulit ang laman ng mga tweet ng mga hormonal teenagers na itey? "Sana maging kami ni crush". "Isang halik lang ni crush, solve na ako". "OMG, I so love Daniel Padilla, I wanna have his babies". Tapos gulat na gulat kayo na may hahalik kay Daniel Padilla? Seriously?