Wednesday, February 6, 2013

KONTRABIDA MANIFESTO

"Kontrabida Manifesto": Ang guide sa pagiging matagumpay na kontrabida 




1) Kung ang role mo eh mayaman, never kang magsusuot ng pambahay kahit sa loob ng ballur. Pag matutulog, kahit naka-pajama ka pa eh full make up din dapat. At ang make-up, hindi pwedeng light lang. Dapat ang eye shadow mga kulay blue, violet, red, basta striking, full blush on, at red lips na parang kumain ka lang ng buhay na manok. At ang bangs, ay Dios Mio, kung gusto mong irita agad sayo ang audience, maglagay ng bangs.




2) Ang mga bida, shunga yan, pag tuwing naguusap sila at nagsasabihan ng sikreto, hindi marunong magbulungan yan at hindi rin marunong magsipag-lock ng pinto. Kaya dapat ready lagi ang iyong recording device to capture those moments.



3) I-praktis ang mga pailalim na tingin at mahaderang pangmamata sa Bida. At, isabay mo na rin ang pag-practice ng iyong di-makabasag pinggang pa-inosente look kapag nagsisinungaling.



4) Kapag nagha-hatch ng iyong evil schemes, ugaliing uminom ng red wine sa malaking kupita sa tabi ng pool. Kung bet mo mag-yosi (or kung lalakeng kontrabida ka, tabako), gorabelles!


 5) Kapag makikipag-asaran ka sa bida, siguraduhin mong magbaon ka na ng maraming insulto. At, humanda ka na rin sa mga come back ng bida. Siguraduhing ang mga baon mong banat eh mga quotable quotes dahil yan ang uso ngayon. At wag na wag kang mapipikon. 




6) Kung mapikon ka man at mananampal, wag mo nang bigyan ng warning ang bida (i.e. Sisigaw ng "Walang hiya ka" sabay buwelo ng kamay para manampal). Instead, dapat stoic lang ang fes na parang walang mangyayari tapos BOOM, sampal agad! Magsuot ng hairnet just in case mauwi sa sabunutan ang eksena.




7) Iwasang makipagsampalan at sabunutan sa mga birthday, kasal, or kahit na anong okasyon na may cake dahil pihadong magiging part ka ng topping ng cake na yan.





8) Sa panahon ngayon, cliché na masyado ang sampalan at sabunutan. Gayahin ang eksenang ito ng Temptation of Wife--lagyan ng twist ang classic na betch fight scene!




9) Bago mo lait-laitin ang pagkatao ng Bida, siguraduhin mo munang hindi mo pala sya nawawalang anak, kakambal or kapatid, oh kahit sino pang taong mayron naman palang konek sayo. Kung mayaman ka, ipa-DNA test na ang lahat ng potential enemies mo para hindi ka nila gulatin ng mga secret identity nila.


10) Kapag may plot kang ipa-kulong ang Bida, siguraduhing ang kasabwat mo eh hindi mahina ang loob. Kapag sa simula pa lang eh may objection agad ito, ipatumba mo na! Mamaya nyan i-buking ka pa nyan eh.

11) May secret powers ang mga kontrabida na pag tuwing susugod sila sa bahay ng bida eh animo'y walang gate ang bahay at bigla na lang silang nanduduon sa pinto or sala. Pero maghanda ng spare keys dahil minsan pag naalala ng direktor na may gate nga pala ang bahay eh bigla ka na lang hindi makakapasok.


12) Kung kontrabida ka naman sa Fantaserye, Tele-Fantashia, Eco-Fantasya, Epic-Serye, or kahit ano pang invented word ng network, siguraduhing kapag pupuksain ang kalaban eh talagang napuksa/napatay mo na sila. Wag maniniwala sa mga tauhang nagsabing napatay na nila ang bida pero walang mai-produce na katawan. Actually that applies even sa hindi mga Fantaserye.








13) Sa Fantaserye ulet, puksain lahat ng mga kengkoy, komedyante, at kahit na ano'ng nakakatawang tao sa paligid. That way, walang comic relief ang mga bida at mamamatay sila from depression.



14) Mahilig ang mga bida na pag twing dudukutin mo sila eh sisigaw pa ng "Bitawan nyo ko! Saan nyo ako dadalhin?! Mga hayop kayo!" Magbaon ng nakaka-binging airhorn para pag moment na ng bida na magtititili ng ganyan eh gulatin mo sya nang masira ang moment nya.




15) Despite its proven stress-relieving effect, wag nang magaksaya ng oras sa iyong "evil villain maniacal laughter", aka "Mwahahahahahaha". More often than not, sa sobrang busy mo kakatawa eh may nakikinig pala sa iyong evil plan na kakampig ng bida, or tumatakas na pala ang bihag mo or malapit ka na pala barilin ng bida, etc.

16) Kapag dudukutin mo ang bida, utang na loob wag ka nang mag-hire ng maraming tauhan na shunga naman bumaril at kayang bugbugin ng kahit batang ang sandata lang eh dos-por-dos. Kung hindi natin afford ang mga ex-Marines, itago na lang ang kinidnap na bida sa loob ng tuyong balon or somewhere impregnable. Wag na wag gagawing kuta ang isang warehouse, lumang bahay, or abandonadong building. Masyadong maraming entrance na kelangan bantayan.



17) If, despite your careful planning eh sumalakay parin ang mga kakampi ng bida sa iyong kuta, siguraduhing bago sila dumating dun eh wala nang mga dos por dos, crowbar, or kahit na anong mga sandatang pwede nilang magamit. At kung may pagka-action star ang leading man, mahilig yang mag-rolyo sa lupa so maglagay ng mga pako at ibang patibong para habang umaaray ang bida eh pwedeng tadtarin ng bala. Kung may dala silang pulis, siguraduhing na-plano mo na ang iyong escape route. Wag ka nang lumaban, tumakas ka na lang. Baka ma-rub out ka pa.

2 comments:

  1. Super havey! Lovi-eeett! =.) -NoraASuperstar

    ReplyDelete
  2. Lovi-eet Lovi! Magawa ko nga to sa pasukan sa June. Mwahahahhaha! -BitchneySfierce

    ReplyDelete