♫Noong isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo. At ang kamay nila ang iyong ilaw♫
♫At ang nanay at tatay mo'y di malaman ang gagawin♫
♫Minamasdan pati pagtulog mo♫
♫At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo.♫
♫At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.♫
♫Ngayon nga ay malaki ka na, nais mo'y maging Malaya.
Di man sila payag, walang magagawa♫
♫Ikaw nga ay biglang nagbago...
♫Naging matigas ang iyong ulo. At ang payo nila'y sinuway mo♫
♫Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa iyo♫
♫Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin♫
♫Nagdaan pa ang mga araw, at ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo♫
♫At ang una mong nilapitan, ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan?"♫
♫At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin♫
♫Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali….♫
No comments:
Post a Comment